
Sinimulang alisin kahapon ng puwersang panseguridad ng Ehipto ang dalawang camp sa Cairo na sinakop ng mga tagasuporta ng tiniwalag na Pangulong si Mohamed Morsi. Nauwi ito sa sagupaan sa pagitan ng nasabing dalawang panig na ikinamatay ng mahigit 600 katao at ikinasugat ng mahigit 4200.

Kaugnay nito, nagdaos ng pangkagipitang pulong ang UN Security Council kung saan hinimok ang iba't ibang panig ng Ehipto na magsagawa ng pinakamalaking pagtitimpi para itigil ang karasahan.
Kasabay nito, nanawagan kahapon ang Muslim Brotherhood sa mga mamamayan ng Ehipto na magdaos ngayong araw ng demonstrasyon sa mga siyudad ng bansa bilang protesta sa nabanggit na dispersal ng panig opisyal. Bilang tugon, sinabi ng Pamahalaan ng Ehipto na tutugunin ng sandata ng pulisya ang mga pananalakay na nakatuon sa Pamahalaan.
Salin: Jade