|
||||||||
|
||
Ang 11 maniningning na lugar ay ang: Nanning ng Tsina, Bandar Seri Begawan ng Brunei, Kampong Thom Province ng Kambodya, Ogyakarta Special Region ng Indonesiya, Vientiane ng Laos, Ipoh ng Malaysia, Kyauk Phyu ng Myanmar, Isabela ng Pilipinas, Singapore, Trat province ng Thailand, at Binh Dinh Province ng Biyetnam.
Ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at ika-10 anibersaryo rin ng pagkakatatag ng CAExpo, kaya sa darating na Ika-10 CAExpo, ang 11 na Cities of Charm ay lubos na magpapakita ng kanilang katangian, malaking pagkakataong komersyal sa kooperasyong panrehiyon, at bunga na natamo nila sa kalakalan, pamumuhunan, teknolohiya, kultura at iba pang larangan nitong 10 taong nakalipas. Sa kasalukuyan, aktibong idinidisenyo ng bawat City of Charm ang sarili nilang exhibition hall para ipakita ang kanilang "charm".
Para mapasulong ang pagpapalitan ng mga lunsod ng iba't ibang bansa, sa espesyal na temang "Cities of Charm" ng Ika-10 CAExpo, idaraos ang maraming akdibidad na tulad ng Pulong ng Promosyon ng mga Lunsod, aktibidad ng pagpapalitan ng mga lunsod at iba pa.
Ayon pa sa ulat, nitong nakaraang 9 na CAExpo, 93 lunsod mula sa Tsina at mga bansang ASEAN ang lumahok sa espesyal na eksibisyon ng "Cities of Charm". Sa kasalukuyan, ang "Cities of Charm" ay naging isang mabisang plataporma ng pagpapasulong ng pagpapalitan at kooperasyon ng mga lunsod ng Tsina at ASEAN, at pagpapataas ng kakayahang kompetetibo ng mga lunsod ng iba't ibang bansa. Sa pamamagitan ng platapormang ito, isinasagawa ng mga lunsod mula sa iba't ibang bansa ang malawak at malalim na pagpapalitang pangkaibigan, kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, kooperasyon sa iba't ibang larangan at iba pa.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |