Magkasamang idinaos kagabi sa Beijing ng ASEAN-China Centre (ACC) at Embahadang Kambodyano sa Tsina ang "Cambodian Night." Lumahok sa aktibidad na ito si Nguyen Van Tho, Embahador ng Biyetnam sa Tsina, at tumanggap siya ng interbyu mula sa mamamahayag ng China Radio International.
Mataas na pagtasa ang ibinigay ng Embahador Biyetnames sa "Cambodian Night," at nagpahayag din siya ng pansin sa gaganaping Ika-10 China-ASEAN Expo (CAExpo). Aniya, lalahok sa CAExpo ang mga mataas na opisyal at bahay-kalakal ng Biyetnam. Umaasa aniya ang kanyang bansa na masasamantala ang pagkakataong ito, para mapaunlad ang mga bahay-kalakal, mapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura at pangkalakalan, at mapasulong ang kabuyahan at pagkakaibigan ng iba't ibang bansang ASEAN.
Idaraos ang Ika-10 CAExpo mula ika-3 hanggang ika-6 ng susunod na Setyembre sa Nanning, Guangxi.
Salin: Andrea