Nakipagtagpo ngayong araw sa Phnom Penh si Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia kay Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag ni Hun na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Tsina, na ibayo pang pataasin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.
Inilahad din ni Hun kay Wang ang pinakahuling kalagayan ng bansang ito.
Inulit naman ni Wang ang pagpapahalaga ng Tsina sa bilateral na relasyon at ang pagkatig sa gawain ng Pamahalaang kambodiyano sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Ernest