Sa karagatan ng Semporna, Malaysia—Kinidnap dito noong nagdaang Martes ng gabi ng 11 pinaghihinalaang armadong tauhan ng tropa ng Sulu Sultanate ang 9 na Malaysian fishermen, at nagtangka silang pumasok nang sapilitan sa Mabul Island Resort. Pero tumakas ang mga ito pagkaraang matuklasan ang himpilang militar na naroroon sa naturang isla.
Napag-alaman, sapilitang tumalon sa dagat ang mga kinidnap na mangingisda para makatakas mula sa mga armadong tauhan, pero walang kasuwalti. Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng panig pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng naturang mga armadong tauhan.
Salin: Vera