Bumigkas kahapon si Li Keqiang, Premiyer ng Tsina, ng keynote speech sa seremonya ng pagbubukas ng 10th China-ASEAN Expo (CAExpo) at 10th China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS). Pinagtuunan ng malaking pansin ng media sa loob at labas ng Tsina ang naturang talumpati. Magkakasunod na ipinalagay ng mga dalubhasa sa ibayong dagat na ang pagkakaisa at kooperasyon ng Tsina at ASEAN ay makakabuti sa pagpapasulong ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig, at ng kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.
Sa talumpati, nagharap si Premiyer Li ng 5 mungkahi hinggil sa lalo pang pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Hinggil dito, ipinahayag ng dalubhasa ng Malaysia na mabuti ang kasalukuyang kalagayan ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN, at sa hinaharap, dapat lalo pang palakasin ng dalawang panig ang kooperasyon sa komersyo, dagat, kultura at iba pang larangan. Ipinahayag rin ni Ibrahim Yusuf, Tagapangulo ng Indonesian Council of World Affairs, na napakahalaga ng naturang 5 mungkahing iniharap ni Premiyer Li.
Sinabi naman ng dalubhasa ng Thailand na ang naturang talumpati ni Premiyer Li ng Tsina ay naghahatid ng magandang signal na sa darating na 10 taon, magpapatuloy ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Ipinahayag naman ng dalubhasa ng Biyetnam na ang kooperasyon ay komong mithiin at target ng Tsina at mga bansang ASEAN. Dapat magkakasamang magsikap ang Tsina at mga bansang ASEAN para maisakatuparan ito.
Sinabi naman ng kinauukulang dalubhasa ng Myanmar na ang mungkahing iniharap ni Premiyer Li ay angkop sa kahilingan ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig, at ito ay may malaking katuturan. Ipinalalagay ng mamamahayag ng Brunei na sa 5 mungkahing iniharap ni Premiyer Li, ang pagpapaunlad ng kooperasyong pandagat ay isang tampok.
Ipinahayag naman ng iskolar ng Kambodya na ang talumpati ni Premiyer Li ay maliwanag na nagpapakitang ipagpapatuloy ng bagong pamahalaang Tsino ang pakikipagkooperasyong pangkaibigan sa ASEAN para lalo pang magkakasamang mapasulong ang katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah