|
||||||||
|
||
Ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, kaya sa panahon ng CAExpo, idaraos ang maringal na aktibidad bilang pagdiriwang sa okasyong ito. Mataas na pinahahalagahan ng mga kinauukulang dalubhasa ng Tsina at mga bansang ASEAN ang bunga na natamo ng Tsina at ASEAN nitong 10 taong nakalipas, at iniharap rin nila ang maraming mungkahi hinggil sa lalo pang pagpapataas ng relasyon ng dalawang panig.
Ipinahayag ni Han Feng, Pangalawang Puno ng Instituto ng Pananaliksik hinggil sa Asiya-Pasipiko ng Chinese Academy of Social Sciences, na pagkaraa ng 10 taong pag-unlad, ang relasyon ng Tsina at ASEAN sa kasalukuyan ay pumasok na sa makatuturang yugto kung saan ang kapuwa panig ay mayroong responsibilidad sa rehiyong ito.
Kaugnay ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN sa hinaharap, ipinahayag ni Han na ang pagpapahalaga ng relasyon sa kapitbansa ay palagiang patakarang panlabas ng Tsina, at iginigiit ng bagong pamahalaang Tsino ang naturang patakaran. Iniharap ng pamahalaang Tsino ang patakaran ng pagpapataas ng relasyon ng Tsina at ASEAN, at ang ideyang ito ay angkop sa kasalukuyang aktuwal na kalagayan.
Ipinahayag ni Vichit Sindavong, dalubhasa ng Laos, na batay sa bunga na natamo ng Tsina at ASEAN noong nakaraang 10 taon, dapat magkasamang magsisikap ang dalawang panig para lalo pang paunlarin ang estratehikong partnership sa hinaharap. Ipinahayag ni Ky Sereyvath, dalubhasa mula sa Kambodya na kinakailangang lalo pang palalakasin ang pagpapalitang kultural sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Ipinahayag rin ni Nushirwan Zainal Abidin, dalubhasa ng Malaysia na dapat hanapin ang komong paniniwala ng Tsina at ASEAN para lalo pang pahigpitin ang relasyon ng dalawang panig. Hinggil dito, ipinahayag rin ni Xiong Liying, iskolar ng Tsina na dapat palakasin ang pagpapalitan at kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa iba't ibang larangan at antas.
Sa kasalukuyan, umiiral ang alitan sa teritoryo at soberaniya sa pagitan ng Tsina at ilang bansang ASEAN. Hinggil dito, ipinalalagay ni Zhang Xuegang, kinauukulang dalubhasang Tsino na ang alitan ay hindi kabuuang nilalaman ng relasyon ng Tsina at ASEAN, at hindi maaapektuhan nito ang mainam na pangkalahatang kalagayan ng dalawang panig. Dapat pabutihin aniya ng Tsina at mga may kaugnayang bansa ang komong palagay, pasulungin ang kooperasyon, para maayos na lutasin ang isyung ito.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |