Tinanggihan kahapon ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang pakikipagsanggunian sa pamahalaan ng Pilipinas. Ipinahayag din nito na ang pagtatatag ng isang nagsasariling bansang Muslim sa katimugan ng Pilipinas ay isang pandaigdigang isyu, at hiningi nila ang mediyasyong pandaigdig.
Pumasok na kahapon sa ika-3 araw ang panghihimasok ng MNLF sa Zamboanga. Inaasahang magiging mas mainit ang palitan-putok sa pagitan ng sandatahang elemento at tropang pampamahalaan. Sa kasalukuyan, ito ay ikinamatay na ng 12 katao at ikinasugat ng 36 iba pa.
Nagpalabas naman ng travel advisory ang mga bansang Estados Unidos, Britaniya, Kanada, at Australia sa lunsod ng Zamboanga at Mindanao.
Salin: Li Feng