|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa Bishkek, Kyrgyzstan ang Ika-13 Shanghai Cooperation Organization (SCO) Summit na dinaluhan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at mga lider ng iba pang kasaping bansa.
Sa naturang summit, binigkas ng Pangulong Tsino ang mahalagang talumpating pinamagatang "Paunlarin ang 'Diwa ng Shanghai,' Pasulungin ang Komong Pag-unlad."
Tinukoy ng Pangulong Tsino na masalimuot ang kasalukuyang situwasyong panrehiyon at pandaigdig. Kinakaharap ng SCO ang mahalagang pagkakataon, at ang mahigpit na hamon. Grabeng nakakapinsala ang "three evil forces", drug smuggling, organisadong krimeng transnasyonal, sa kaligtasan at katatagan ng rehiyong ito. Sa epekto ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, pawang naaapektuhan aniya ang pag-unlad ng kabuhayan ng iba't-ibang bansa. Ani Xi, dapat palakasin ng iba't-ibang kasapi ng SCO ang kooperasyon, at magkakasamang pasulungin ang pag-unlad ng SCO. Dahil ito ay magsisilbing maaasahang garantiya para sa katatagan at komong kaunlaran ng mga kasaping bansa ng organisasyong ito.
Dagdag pa ni Xi, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng iba't-ibang kasapi ng SCO, para mapasulong ang kooperasyong panseguridad at pragmatiko ng SCO. Ito aniya ay naglalayong patingkarin ng SCO ang mas malaking papel sa pangangalaga sa seguridad at katatagan ng rehiyon, at pagpapasulong ng komong pag-unlad at kasaganaan ng mga kasaping bansa.
Binigyang-diin naman ng mga kalahok na lider na tulad ng dati, patuloy na magtutulungan ang iba't-ibang kasaping bansa ng SCO, at igagarantiya ang sustenableng pag-unlad ng lipunan at kabuhayan sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |