Mula noong ika-3 hanggang ika-13 ng kasalukuyang buwan, isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Turkmenistan, Kazakhstan, Uzbekistan, at Kyrgyzstan, at dumalo sa Shanghai Cooperation Organization (SCO) Summit sa Bishkek. Nang isalaysay ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang naturang pagdalaw, ipinahayag niya na mabunga ang nilalaman, malinaw ang target, at mabisa ang nasabing pagdalaw ng Pangulong Tsino.
Isinalaysay din ni Wang ang mga bunga ng naturang pagdalaw sa apat (4) na aspekto na kinabibilangan ng pagtatatag ng mahigpit na pagkakaibigan at mataas na pagtitiwalaan sa pagitan ng mga lider; komprehensibong pagpapataas ng lebel ng relasyon ng Tsina at mga bansang Gitnang Asyano; paghaharap ng estratehikong ideya ng magkakasamang pagtatayo ng "Silk Road Economic Belt"; at pagpapasulong ng malusog na pag-unlad ng SCO.
Salin: Li Feng