Sa pulong ng mga puno ng Self-Defense Force (SDF) na idinaos ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Hapon, sinabi kamakalawa ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na aktibong tatalakayin ang may kinalamang isyu ng pagpapahintulot sa paggamit ng Hapon sa collective self-defense. Ipinahayag din niya na patuloy na hahanapin ng kanyang bansa ang katayuang pang-estado na angkop sa situwasyong pandaigdig sa ika-21 siglo.
Ayon sa ulat, dumalo sa naturang pulong ang halos 180 tauhan na kinabibilangan nina Onodera Itsunori, Ministro ng Tanggulang Bansa, at mga mataas na opisyal ng SDF ng naturang bansa.
Salin: Li Feng