Ipinahayag kahapon sa Tokyo ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, na nagsisikap ang kanyang bansa para pasulungin ang talakayan hinggil sa collective self-defense ng hukbong Hapones.
Sinabi ni Abe na kasalukuyang pinapahigpit ng Hapon ang pambansang patakarang panseguridad, kabilang dito ang pagbalangkas ng pambansang estratehiyang panseguridad, pagpapataas ng kakayahan ng hukbo, at iba pa.
Ipinalalagay naman ng media ng Hapon, na ang kagustuhan ni Abe na magkaroon ng collective self-defense right ay nagpapakitang isasagawa ng kanyang pamahalaan ang mga polisiyang makakanan.