|
||||||||
|
||
Ayon kay Sheng Laiyun, sa kasalukuyan, ang mga positibong elemento ng kabuhayan ay makikita, pangunahing na, sa mga sumusunod na apat na aspekto:
Una, bumubuti ang ekspektasyon ng lipunan. Noong nagdaang Agosto, umabot sa 51% ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng industriya ng pagyari, na naging pinakamataas nitong nakalipas na 16 na buwan. Ito ay nangangahulugang optimistiko ang mga tao sa tunguhin ng industriya ng pagyari.
Ika-2, may pagbuti ang kalagayan ng suplay at pangangailangan sa pamilihan. Noong nagdaang buwan, -1.6% ang Producer Price Index o PPI, na lumaki ng 0.1% kumpara sa nagdaang panahon ng estadistika. Ito ang kauna-unahang positibong paglaki sapul noong nagdaang Abril.
Ika-3, tumaas ang kasiglahan ng substansyal na kabuhayan at patuloy na nanunumbalik ang bilis ng paglaki ng added value ng produksyon ng industriya. Lumaki ng 10.04% ang added value ng industrial enterprises above designated size noong nagdaang buwan at patuloy sa pagtaas ang ibang indeks na may kinalaman sa kabuhayang industriyal na gaya ng kakayahan sa pagdidiyenereyt ng koryente, bolyum ng paggamit ng koryente, bolyum ng paghahatid ng paninda sa daambakal at iba pa.
At ika-4, bumuti ang kapaligirang panlabas, at patuloy na tumataas ang pagluluwas. Noong nagdaang Agosto, lumaki ng 7.2% ang pagluluwas sa labas kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Yang Shubing, Opisyal ng Tanggapan ng Pananaliksik ng Konseho ng Estado ng Tsina, na sa kasalukuyan, nasa makatwirang saklaw ang takbo ng pangkalahatang kabuhayan ng Tsina, at maliit ang posibilidad ng pagtatakda ng bagong round ng plano sa malawakang pagpapasigla ng kabuhayan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |