Ayon sa datos na ipinalabas ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, ang Purchase Management Index (PMI) ng manufacturing industry noong nagdaang Agosto ay umabot sa 51% na tumaas ng 0.7% kumpara noong Hulyo ng taong ito.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhang Liqun, Mananaliksik ng Development Research Centre ng Pamahalaang Tsino, na ang pagtaas ng PMI ay nagpapakita na matatag na umuunlad ang pambansang kabuhayan at gumaganda ang pangkalahatang kalakagayan ng takbo ng mga bahay-kalakal dito sa Tsina
Bukod dito, sinabi rin niya na hindi lahat ng mga bahay-kalakal ay maayos ang takbo, kinakaharap rin ng mga maliit na bahay-kalakal ang mga kahirapan. Umaasa aniya siyang ibayo pang pasusulungin ng pamahalaan ang reporma sa estrukturang pangkabuhayan para patatagin ang pundasyon ng pag-unlad ng kabuhayan.