Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagsasanay militar ng Pilipinas at Amerika, may sarili nilang layunin

(GMT+08:00) 2013-09-19 17:05:20       CRI

Sa Navy Education Training Centre sa Lalawigang Zambales, Pilipinas—Idinaraos dito ang tatlong linggong magkasanib na pagsasanay-militar ng mga marine corps ng hukbong pandagat ng Pilipinas at Estados Unidos na may codename na "Phiblex 14" mula kahapon hanggang ika-11 ng Oktubre. Ipinahayag ng panig militar ng Pilipinas na ang pagsasanay ay gaganapin sa limang mga base sa iba't ibang panig ng bansa.

Ang mga nilalaman ng naturang pagsasanay ay kinabibilangan ng katiwasayang pandagat, pakikipagdigmang pandepensa sa pangangalaga sa teritoryo, at mga humanitarian projects. Ipinahayag ng panig militar ng Pilipinas na ang naturang pagsasanay militar ay naglalayong magpataas ng kakayahan ng dalawang hukbo sa magkasamang pakikipagdigma at paghahanda para sa pakikipagdigma, para harapin ang likas na kapahamakan at pangkagipitang kaganapan sa rehiyong ito. Tinukoy naman ng pahayag ng Embahadang Amerikano na idaraos ng kapuwa panig ang pagsasanay sa pagtatakda ng mga pangkalahatang estado mayor ng plano sa pakikipagdigma, para mapalakas ang kanilang kaligtasan sa mga suliraning pandagat at kakayahang pandepensa sa pangangalaga sa teritoryo.

Sa kasalukuyan, sumusulong ang talastasan ng Pilipinas at Amerika hinggil sa pagdaragdag ng tropang Amerikano sa Pilipinas at pagdedeploy ng mga kinauukulang pasilidad, at dadalaw sa Pilipinas si Pangulong Barack Obama ng Amerika pagkaraan ng tatlong linggo, kaya ang kasalukuyang pagsasanay militar ay nakatawag ng pansin ng iba't ibang panig. Nagpapakita itong naging napakahigpit at walang humpay na lumalawak ang kooperasyon at presensyang militar ng Amerika sa Pilipinas.

Sapul nang makabalik ang Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng "Visiting Forces Agreement" sa ngalan ng paglaban sa terorismo noong taong 2001, tumatanggap ang Pilipinas ng tulong na militar sa Amerika taon-taon. Pero walang malinaw na paglakas ang puwersang militar ng Pilipinas, at ang ipinagkaloob ng Amerika sa Pilipinas ay mga lumang kagamitang militar. Malinaw na, hindi nais ng Amerika na tunay na mapalakas ang kakayahang pandepensa ng Pilipinas. Sa katunayan, dahil sa malaking agwat ng puwersa ng dalawang bansa at estratehikong lokasyon ng Pilipinas sa South China Sea, ang esensya ng ganitong kooperasyong militar ay parang pagpapalakas ng Amerika ng pagkontrol sa Pilipinas. Kaya ipinalalagay ng ilang opinyong publiko ng Pilipinas na posibleng muling maging kolonya ng Amerika ang Pilipinas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>