Ipinahayag kahapon sa Maynila ni Chuck Hagel, Kalihim ng Tanggulan ng Estados Unidos, na walang intensyon ang kanyang bansa na mag-instala ng permanenteng base sa Pilipinas.
Winika ito ni Hagel sa magkasanib na preskong idinaos nila ni Voltaire Gazmin, Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas. Dagdag pa niya, tinatalakay ngayon ng E.U. at Pilipinas ang isang framework agreement sa kooperasyong militar, para mapalawak ang military presence ng E.U. sa Pilipinas. Aniya, maganda ang natamong progreso ng naturang pagtatalakayan.
Binigyang-diin din ni Hagel na neutral ang E.U. sa pinagtatalunang isyu ng South China Sea, at kumakatig ito sa paglutas sa isyung ito sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
Salin: Liu Kai