Isang pag-atake ang naganap kamakalawa ng umaga sa Westgate Shopping Mall sa Nairobi, kabisera ng Kenya. Ito ay ikinamatay ng 68 katao, kabilang ang isang 38 taong-gulang na babaeng Tsino, at ikinasugat ng 200 iba pa, na kinabibilangan ng anak ng naturang babae. Patuloy pa hanggang ngayon ang stand-off sa pagitan ng mga pulis ng Kenya at mga armadong tauhan. Dahil dito, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga biktima.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinututulan ng Tsina ang anumang aksyong teroristiko. Ipinahayag din niya ang pakikiramay sa mga biktima at kanilang pamilya.
Ayon sa ulat, ang Islamistang grupong Al Shabaab ang responsable sa naturang pag-atake.