Ayon sa ulat ngayong araw ng ospital ng Pakistan, 81 katao na ang nasawi sa pambobomba na naganap kahapon sa isang simbahan sa Peshawar ng bansang ito. Bukod dito, 131 ang nasugatan.
Inako ng isang sangay ng Taliban sa Pakistan ang responsibilidad sa insidenteng ito. Ayon sa kanila, patuloy na isasagawa nila ang ganitong pag-atake hangga't hindi itinitigil nang mapagkailanman ng tropang Amerikano ang air raid sa dakong hilagang kanluran ng Pakistan.
Nang araw ring iyon, nagprotesta ang mga grupong Kristyano sa Islamabad, Lahore, Karachi, Faisalabad, at Peshawar para sa nasabing marahas na insidente.
Bukod dito, ipinatalastas ng pamahalaan ng Pakistan na isasagawa nito ang 3 araw na pambansang pagdadalamhati para sa mga nasawi sa nabanggit na insidente.
Salin: Ernest