Kahapon ng hapon, naganap ang lindol na nagtala ng 7.7 sa richter scale sa dakong Timog Silangan ng Pakistan. Ayon sa ulat ngayong araw ng media ng Pakistan, hanggang sa kasalukuyan, ikinamatay na ito ng 93 tao at ikinasugat ng mahigit 200 iba pa.
Ipinahayag nina Pangulong Mamnoon Hussain ng Pakistan at Punong Ministrong Nawaz Sharif ang kanilang pagkagimbal at pakikiramay sa lindol na ito, at iniutos na dapat buong lakas na magsagawa ng relief work. Sa kasalukuyan, ipinadala na ng Pakistan ang 300 tao sa nilindol na purok para sa relief work.
Salin:Sarah