Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay Pangulong Choummaly Sayasone ng Laos, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na malawak ang komong interes ng Tsina at Laos. Kaya, dapat aniya silang magkasamang magsikap para ibayo pang pasulungin ang kanilang estratehikong partnership sa ibat ibang larangan. Ipinahayag din ng Pangulong Tsino ang pag-asang maipagpapatuloy ang komunikasyon ng dalawang bansa sa mataas na antas, mapapahigpit ang estratehikong pagpapalitan, mapapalakas ang pagtutulungan sa ibat ibang larangan, at mapapalakas ang pagkatig sa isat-isa, sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, lalo na sa mga isyung hinggil sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Choummaly Sayasone ang pasasalamat ng Tsina sa kaunlaran ng Laos. Aniya, nakahanda ang Laos na magsikap, kasama ng Tsina, para maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad, batay sa pagpapahigpit ng estratehikong pagpapalitan, pagpapalalim ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, totohanang pagtupad sa mga kasunduan hinggil sa bilateral na kooperasyon, pagpapalakas ng koordinasyon sa mga suliranin ng ASEAN at daigdig, at pangangalaga sa kanilang komong interes.
Dumalo rin ang dalawang lider sa seremonya ng paglalagda sa mga dokumentong pangkooperasyon.