Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay dumadalaw na Pangulong Choummaly Sayasone ng Laos, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos, para pahigpitin ang kanilang pagpapalitan sa mataas na antas, at pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, para ibayo pang mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Sinabi ng Premyer Tsino, na nananabik ang Tsina sa magkasamang pagbalangkas ng regional development landscape, kasama ng mga kalahok na panig, sa gagawing ika-8 summit ng Silangang Asya. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansang ASEAN, para ibayo pang pasulungin ang China-ASEAN Free Trade Area(CAFTA), batay sa pagpapatibay ng pagtitiwalaan at pagpapalalim ng pagtutulungan. Umaasa rin aniya siyang mapapasulong ang relasyon ng Tsina at ASEAN, batay sa pagpapasulong ng connectivity, kooperasyong pinansyal, at pagtutulungan sa karagatan. Inaasahang patitingkarin ng Laos, tulad ng dati, ang positibong papel para sa pagpapasulong ng pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at ASEAN, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Choummaly Sayasone ang pag-asang pabibilisin ang pagtatayo ng daambakal sa pagitan ng Tsina at Laos, at hinihintay niya ang mas maraming pamumuhunang mula sa Tsina. Dagdag pa niya, handa na ang Laos na magsikap, kasama ng Tsina, para pasulungin ang kanilang bilateral na relasyon, gayundin ang relasyon ng Tsina at ASEAN, sa mas mataas na antas.