Nakipagtagpo dito sa Beijing kahapon ng hapon si Premyer Li Keqiang ng Tsina, kay Hamid Karzai, dumadalaw na Pangulo ng Afghanistan.
Sinabi ni Li na buong tatag na naggigiit ang panig Tsino sa mapagkaibigang patakaran sa Afghanistan, at nakahandang palalimin ang estratehiko't kooperatibong partnership ng dalawang bansa, palakasin ang kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan, at pasulungin ang konstruksyon ng malalaking proyekto na gaya ng enerhiya at yaman. Aniya, ineenkorahe ng panig Tsino ang mga may-puwersang bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan sa Afghanistan, at umaasang makakapagkaloob ang panig Afghan ng kinakailangang garantiyang panseguridad sa kanila. Nakahanda rin ang Tsina na magkaloob sa Afghanistan ng tulong sa abot ng makakaya, para maisakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win result, at makapaghatid ng kapakinabangan sa kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Karzai na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina, at pinasasalamatan ang ibinibigay na tulong at pagkatig ng panig Tsino. Nakahanda aniya silang palakawin ang komprehensibong pakikipagkooperasyon sa Tsina, puspusang igarantiya ang kaligtasan ng mga bahay-kalakal at tauhang Tsino sa Afghanistan, at walang humpay na paunlarin ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Vera