Ipinahayag ngayong araw ni Liu Jianchao, Embahador Tsino sa Indonesia, na mahalaga ang dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping sa Indonesia sa darating na unang bahagi ng Oktubre.
Sinabi ni Liu na ang Indonesia ay ang unang bansa na binisita ni Xi sa timog silangang Asya. Ito aniya ay nagpapakita ng mahalagang katayuan ng Indonesia sa diplomasyang Tsino.
Bukod dito, umaasa si Liu na sa pamamagitan ng pagdalaw ni Xi, mapapapasulong ang kalakalan, pamumuhunan, at pagpapalagayang pansibilyan ng dalawang panig.
Salin: Ernest