Ipinahayag kamakailan ni Imron Cota, Embahador ng Indonesia sa Tsina, na ikinagagalak niya ang darating na dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang bansa.
Ito aniya ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng dalawang panig sa kanilang estratehikong partnership.
Sinabi ni Imron Cota na mahalaga rin ang kooperasyon ng Indonesia at Tsina sa katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito at buong daigdig.
Bukod dito, ikinasisiya niya ang kasalukuyang relasyon ng dalawang bansa. Naniniwala siyang pasusulungin ng dalawang panig ang kanilang relasyon patungo sa mas magandang kinabukasan.
Salin: Ernest