Ayon sa ulat ngayong araw ng media ng Pakistan, kaninang madaling araw muling inatake ng mga unmanned aircraft ng Estados Unidos (E.U.) ang North Waziristan, Pakistan. Ikinamatay ito ng di-kukulangin sa 3 tao at ikinasugat ng 4 na iba pa.
Binatikos ng Ministring Panlabas ng Pakistan ang Estados Unidos at sinabing ang air assault ay paglapastangan sa kabuuang teritoryo at soberanya ng Pakistan.
Ang nasabing drone attack ay ika-22 insidente sa Pakistan sa taong ito. Hanggang sa kasalukuyan, 128 katao ang naiulat na namatay sa mga air assault ng unmanned aircraft ng E.U. sa taong ito.
salin:wle