Dumating kagabi sa Kuala Lumpur ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa kanyang dalaw na pang-estado sa Malaysia.
Ipinahayag ng pangulong Tsino ang pananabik sa kanyang pakikipagtagpo kina Kataas-taasang Puno ng Estado Halim Mu'adzam Shah at Punong Ministro Najib Razak. Aniya pa, pinananabikan din niya ang paglahok sa China-Malaysia Economic Cooperation Summit. Umaasa aniya rin siyang makakapagtatamo ng bagong progreso ang estratehikong kooperasyong Sino-Malay sa pamamagitan ng kanyang pagdalaw.
Pagkaraan ng kanyang pagbisita sa Malaysia, dadalo si Pangulong Xi sa Ika-21 Summit ng APEC sa Bali, Indonesia.
Salin: Jade