Sumiklab muli kahapon ang mga demostrasyon sa iba't ibang lunsod ng Ehipto. Naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga pulis at ilang libong tagasunod ng Muslim Brotherhood at dating Pangulo na si Mohammed Morsi, na ikinamatay ng 4 at ikinasugat ng mahigit 20 iba pa.
Ang sagupaang ito ay pinakamatindi nitong isang buwang nakalipas.
Nauna rito, hinimok ng Muslim Brotherhood ang mga mamamayan ng Ehipto na sumali sa demonstrasyon nitong Biyernes sa sentro ng lunsod ng Cairo. At ipinatalastas din nitong tatagal ang demonstrasyon hanggang sa Linggo, para ibagsak ang umano'y "military government."
salin:wle