Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Organo ng prokuratura ng Ehipto, ipinasiyang isakdal si Mohamed Morsi

(GMT+08:00) 2013-09-02 16:30:41       CRI

Ayon sa ulat ng official media ng Ehipto kahapon, ipinasiyang isakdal ng organo ng prokuratura ng Ehipto ang dating pangulo ng bansa na si Mohamed Morsi.

Ayon sa ulat, iniharap nang araw ring iyon ni Hisham Barakat, Prokurador Heneral ng Ehipto, ang sakdal sa hukumang kriminal. Ang akusasyon kay Morsi ay "pagsasagawa ng karahasan" at "pag-udyok sa pagpaslang sa mga demonstrator." May 14 na miyembro sa mataas na antas ng Muslim Brotherhood at Freedom and Justice Party ang isinakdal rin.

Ayon sa isang pahayag ng organo ng prokuratura, ang naturang mga akusado ay lumikha ng insidente ng pagkamatay ng mga demonstrator sa harap ng palasyong pampanguluhan noong ika-5 ng nagdaang Disyembre. Anito pa, noong panahong iyon, ilang beses na iniutos ni Morsi sa Republican Guard at Ministri ng Suliraning Panloob na buwagin ang hanay ng mga demonstrator sa harap ng palasyong pampanguluhan. Pagkaraang tanggihan ang kanyang kautusan, inutusan niya ang dalawang asistente na udyukan ang kanyang mga tagasunod sa pagsasagawa ng karahasan sa paligid ng palasyong pampanguluhan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>