Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Tsino, dadalo sa Summit ng Silangang Asya

(GMT+08:00) 2013-10-08 09:09:01       CRI

Kaugnay ng gagawing pagdalo ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Summit ng Silangang Asya at pagdalaw din niya sa Brunei, Thailand at Vietnam, ipinahayag kahapon sa Beijing ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng rehiyon, maayos na paglutas sa krisis na pinansyal, pagpapasulong ng integrasyong panrehiyon, at paghahangad ng magkasamang pag-unlad ay magsisilbing pangunahing paksa ng nasabing pulong. Nananalig aniya siyang magtatagumpay ang pagtitipong ito.

Nang mabanggit ang 10+1 Summit, sinabi ni Liu na ilalahad ng Premyer Tsino ang patakarang panlabas ng Tsina sa mga kapitbansa, at ito ang patuloy na paggigiit sa paninindigang pagsusulong ng pagtutulungang pangkaibigan, batay sa prinsipyo ng harmonya, seguridad, at mutuwal na kapakinabangan. Dagdag pa ni Liu, kasama rin sa ilalahad ni Premyer Li ang paglalagay sa ASEAN bilang priyoridad ng diplomasya ng Tsina sa mga kapitbansa, ang pagpapatibay ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at pagbalangkas ng regional cooperation landscape para sa darating na sampung taon o "diamond decade".

Sinabi ni Liu, na alinsunod sa mga mungkahing iniharap ng Pangulong Tsino, na dumadalaw ngayon sa Indonesia at Malaysia, hinggil sa pagpapalalim ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, ibayo pang ipapaliwanag ng Premyer Tsino ang paninindigan ng Tsina hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang panig sa larangan ng pulitika, seguridad, kabuhayan at kalakalan, connectivity, at iba pa: kabilang din dito ang estratehikong pagtitiwalaan, at takalayan tungkol sa pagtatakda ng "Tratado sa Mapagkaibigang Kooperasyong Pangkapitbansa ng Tsina at ASEAN".

Nang mabanggit ang 10+3 Summit, ipinahayag ni Liu na bibigyan ng positibong pagtasa ng Premyer Tsino ang importanteng papel ng mekanismong 10+3 sa pagpapasulong ng kabuhayan ng Silangang Asya, at pagpapatibay ng namumunong papel ng 10+3 sa kooperasyon ng Silangang Asya, pagpapahigpit ng koordinasyon sa larangan ng patakarang pangkabuhayan at pinansyal para pataasin ang kakayahan nito sa harap ng krisis na pinansyal. Ihaharap din ng Premyer Tsino ang mga mungkahi hinggil sa kooperasyon sa larangan ng pananalapi, kabuhayan, seguridad ng pagkain-butil, connectivity, at iba pa, dagdag pa niya.

Nang mabanggit ang Summit ng Silangang Asya, ipinahayag ni Liu, na uulitin ng Premyer Tsino ang prinsipyong mararating ang pagkakasundo sa pamamagitan ng pagsasanggunian, unti-unting pagsasakatuparan ng kaunlaran, pagbibigay-pansin sa interes ng ibat ibang panig, at pagpapasulong ng diyalogo at kooperasyon sa larangan ng kabuhayang panlipunan at seguridad na pampulitika. Aniya, magsisikap ang Tsina para pasulungin ang pagtatakda ng "Plano ng Aksiyon Hinggil sa Pagtupad sa Deklarasyon ng 7th East Asia Summit", at pahigpitin ang kooperasyon ng ibat-ibang panig sa anim na larangang gaya ng pinansya, kapahamakan, pamamahala, at iba pa.

Makikipag-usap din ang Premyer Tsino sa mga lider ng ibang bansa, sa panahon ng nasabing pulong, dagdag pa niya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>