Dumating kaninang hapon si Li Keqiang, Premyer ng Tsina sa Bandar Seri Begawan, Kabisera ng Brunei para sa pulong ng mga lider ng Silangang Asya, at pagdalaw sa bansang ito.
Ito ang kauna-unahang pagdalaw ni Li sa Brunei bilang Premyer ng Tsina. Sa panahon ng pagdalaw, dadalo si Li sa Ika-16 na Summit ng Tsina at ASEAN (10+1), Ika-16 na Summit ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3) at Ika-8 Summit ng Silangang Asya. Makikipag-usap din ang Premyer Tsino kay Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei at sa iba pang myembro ng maharlikang pamilya ng bansa. Inaasahan ding ipalabas ng Tsina at Brunei ang magkasanib na pahayag.
salin:wle