Sa kanyang talumpati kahapon sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-10 na China-ASEAN Expo (CAExpo), nagharap si Li Keqiang, Premiyer ng Tsina ng limang mungkahi hinggil sa pagpapahigpit ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Ang mga mungkahi ay, una, dapat pasidhin ang Malayang Sonang Pangkalakalan ng ASEAN at Tsina, at ibayo pang bawasan ang taripa para mapaunlad ang kalakalan; ika-2, pasulungin ang kooperasyon sa konektibidad sa lansangan, daambakal, tubig, himpapawid, tele-komunikasyon at enerhiya; ika-3, pahigpitin ang kooperasyong pinansiyal; ika-4, pasulungin ang kooperasyon sa dagat; at ika-5, palalimin ang pagpapalitang kultural.