Nag-usap kahapon ng hapon si dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at ang kanyang counterpart na Thai na si Yingluck Shinawatra.
Muling ipinahayag ni Premyer Li ang kahandaan ng Pamahalaang Tsino na magsikap, kasama ang panig Thai, para ibayo pang mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina't Thailand.
Iminungkahi ng premyer Tsino na pahigptin ng dalawang bansa ang kanilang pagtutulungan sa kalakalan, konstruksyon ng imprastruktura at pinansya. Iminungkahi rin niya ang pagtatalastasan ng Tsina't Thailand hinggil sa exemption sa mga regular na visa para mapasulong ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Yingluck ang kanyang pagtanggap sa pakikilahok ng panig Tsino sa konstrusyon ng high-speed railway system at ang kanyang pagkatig sa proposal ng Tsina sa pagtatatag ng Bangko ng Asya sa Pamumuhunan sa Imprastruktura.
Tumayong-saksi sina Li at Yingluck sa paglagda ng dalawang bansa sa mga dokumentong pangkooperasyon sa larangan ng daambakal, kabuhaya't kalakalan, hay-tek, enerhiya at iba pa. Ipinalabas din ng dalawang panig ang Pahayag hinggil sa Prospek ng Pag-unlad ng Relasyong Sino-Thai.
Salin: Jade