Dumating kaninang tanghali sa Bangkok si Premyer Li Keqiang ng Tsina para sa pagsisimula ng kanyang 3 araw na opisyal na pagdalaw sa Thailand.
Ang unang mahalagang aktibidad pagkadating ni Li sa Thailand ay pagdalo sa isang welcome party na handog ng Parliamento ng Thailand at pagbigkas dito ng talumpati hinggil sa relasyong Sino-Thai. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na inanyayahan ng Parliamentong Thai ang isang lider Tsino na bumigkas ng talumpati doon, at ito rin ay nagpapakitang pinahahalagahan ng Thailand ang bilateral na relasyong Sino-Thai.
Salin: Andrea