Sinabi kahapon ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ang pagpawi sa kahirapan ay nukleong kondisyon para maisakatuparan ng mga umuunlad na bansa ang sustenableng pag-unlad, at dapat itong patuloy na gawing nukleo ng pag-unlad pagkaraan ng taong 2015.
Sa pulong ng ika-2 komisyon ng pangkalahatang asemblea ng UN na namamahala sa mga isyung pangkabuhayan, sinabi ni Wang na palagiang pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang isyu ng kaunlaran. Bilang isang malaking umuunlad na bansa, nakapagkaloob na ang Tsina ng tulong sa mahigit 120 umuunlad na bansa sapul noong taong 2000. Aniya, nakahanda ang Tsina na patuloy at konstruktibong sumali sa pandaigdigang kooperasyong pangkaunlaran, at talakayin, kasama ng iba't ibang bansa at mga organo ng UN, ang paraan at tsanel ng pagpapalakas ng South-South Cooperation at kooperasyon ng tatlong panig. Nakahanda rin aniya itong tumulong sa mga umuunlad na bansa na pabilisin ang pagsasakatuparan ng Millennium Development Goals, dagdag pa niya.
Salin: Vera