Ipinahayag kahapon ng namamahalang opisyal ng Pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na pursigido ito sa paghahanap ng katarungan kaugnay ng Hong Kong Hostage Tragedy na naganap noong ika-23 ng Agosto, 2010.
Ipinahayag ng opisyal na nauunawaan ng HKSAR ang kawalang-kasiyahan ng mga kamag-anakan ng mga nasawi sa trahedya dahil ayaw akuin ng Pamahalaang Pilipino ang responsibilidad. Patuloy na hihimukin ng HKSAR ang Pamahalaang Pilipino para lutasin ang isyu. Dagdag pa niya, hihingiin pa rin nito ang suporta ng Pamahalaang Sentral ng Tsino kaugnay nito.
Salin: Jade