Magkakahiwalay na naganap kahapon ang iba't ibang pagsabog sa Baghdad at Mosul sa dakong hilaga ng Iraq na ikinamatay ng di-kukulangin sa 56 katao at ikinasugat ng 149 iba pa.
Sa Baghdad, 9 na insidente ng car bombing ang naganap. Sa mga insidenteng ito, pinakagrabe ang halos sabay na pagsabog ng dalawang kotse sa Nahrawan sa timog ng Baghdad na ikinamatay ng di-kukulangin sa 7 katao at ikinasugat ng 15 iba pa.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang organisasyon o indibiduwal ang umako ng responsibilidad sa naturang pagsabog.
salin:wle