Ayon sa pahayagang "The Nation Newspaper" ng Thailand, sa isang talakayang pinamagatang "Prospek ng kabuhayang Thai pagkaraang sumapi ito sa ASEAN Economic Community," tinukoy ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand na handa na ang kanyang pamahalaan sa pagpapasulong ng imprastruktura ng komunikasyon na nagkakahalaga ng 2 triylong Baht, at isasagawa aniya ng bansa ang may kinalamang plano sa pagbibigay-tulong sa mga katam-taman at maliliit na bahay-kalakal. Dagdag pa niya, bago sumapi ang bansa sa ASEAN Economic Community, magkasamang magsisikap ang mga bahay-kalakal na ari ng estado at pribadong bahay-kalakal para mapataas ang kakayahang kompetitibo ng bansa.
Salin: Li Feng