Pinagtibay kamakalawa ng mababang kapulungan ng Thailand ang planong pag-utang ng bansa ng halos 70 bilyong dolyares para pasulungin ang konstruksyon ng imprastruktura sa Thailand.
Ang nasabing plano ay tatagal nang 7 taon at kinabibilangan ng 56 na proyekto sa transportasyon at komunikasyon para ibayo pang palakasin ang kalakalan, turismo at pagpapalagayan sa pagitan ng Thailand at mga karatig bansa.
Ipinahayag ni Kittiratt Na Ranong, Ministrong Pinansyal ng Thailand, na sisimulan ng pamahalaan ang planong ito mula sa susunod na Oktubre at ang pautang ay pangunahing manggagaling sa pribadong kompanya sa loob ng bansa para maiwasan ang negatibong epekto sa pambansang sistemang pinansyal.
Salin: Ernest