Tatalakayin sa ika-6 ng Nobyembre ng Lupong Lehislatibo ng Hong Kong Special Administrative Region ang proposal para sa pagsasagawa ng sangsyong pangkabuhayan sa Pilipinas na kinabibilangan ng pansamantalang pagtitigil sa visa-free entry ng mga Pilipino sa Hong Kong. Ang hakbang na ito ay para magpataw ng pressure sa pamahalaan ng Pilipinas dahil na sa patuloy na pagtanggi nitong humingi ng paumanhin kaugnay ng "Manila Hostage tragedy."
Sa unang pagtatagpo ng Konsehal ng Maynila na si Bernardito Ang at mga pamilya ng biktima ng traheda, walang napagkasunduan ang dalawang panig dahil sa magkakaibang palagay. Iminungkahi ni Regina Ip Lau Suk-yee, Legislative Councilor ng Hong Kong na ititigil ang visa-free entry ng mga Pilipino, at ibayo pang pahihigpitin ang pagbibigay ng bisa.
Noong isang taon, may 700 libong turistang Pilipino ang bumisita sa HK, pero 110 libo lang ang mga taga-Hong-Kong na pumunta sa Pilipinas.
salin:wle