|
||||||||
|
||
Mula ika-9 hanggang ika-12 ng susunod na buwan, idaraos ang Ika-3 sesyong plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng Partidong Komunista ng Tsina o CPC para talakayin ang isyu ng "komprehensibong pagpapalalim ng reporma" at gawin ang pangkalahatang plano hinggil dito. Sa hinaharap, pasusulungin ng Tsina ang reporma sa iba't ibang larangan na kinabibilangan ng kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan, sibilisasyong ekolohikal at iba pa.
Tinaya ng maraming tagapag-analisa na ang naturang sesyong plenaryo ay magiging bagong simula sa kasaysayan ng reporma ng Tsina. Ito ay magdudulot ng impluwensiya sa pag-unlad ng Tsina sa darating na 10 taon at sa kaayusang pandaigdig sa ika-21 siglo.
Noong 1978, idinaos ng ika-11 Komite Sentral ng CPC ang ika-3 sesyong plenaryo na nagsisimula ng patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina. Dahil sa sesyong plenaryong ito, matagumpay na naisakatuparan ng Tsina ng pagbabagong pangkasaysayan at naging ika-2 pinakamalaking economy sa daigdig. Ang ika-3 sesyong plenaryong idaraos ng ika-18 Komite Sentral ng CPC ay magsisikap para maisakatuparan ang isa pang pagbabagong pangkasaysayan: baguhin ang tradisyonal na paraan ng pag-unlad para malikha ang "ikalawang milagro ng pag-unlad ng Tsina".
Bilang mahalagang bahagi ng komprehensibong reporma ng Tsina, sa naturang ika-3 sesyong plenaryo, tiyak na tatalakayin at gagawin ang pangkalahatang plano hinggil sa isyu ng reporma sa sistemang pulitikal. Dapat walang humpay na paunlarin ang sistemang pulitikal para umangkop sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina.
Nitong halos isang taong nakalipas, sapul nang idaos ang ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, walang humpay nang isinasagawa ng bagong liderato nito ang bagong patakarang pulitikal na tulad ng pagpapabilis ng pagbabago ng function ng pamahalaan, pagpapasulong ng reporma sa sistema ng pagsusuri at pag-aaproba at iba pa. Ipinahayag ng kinauukulang dalubhasang Tsino na ang naturang mga aksyon ay maliwanag na nagpapakita ng kompiyansa, kapasiyahan at karunungan ng bagong liderato ng Tsina sa reporma ng sistemang pulitikal.
Ipinahayag rin ni David Shambaugh, Dalubhasa mula sa University of Washington ng E.U. na pinatutunayan ng CPC na mayroon itong kakayahan na isagawa ang mahahalagang pagsasaayos at reporma. Sa kasalukuyan, isinasagawa ng CPC ang isang walang katulad sa kasaysayan na "political experiment".
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |