Ipinahayag kahapon ni Cheng Kai, Pangalawang Tagapangulo ng China Disabled Persons' Federation, na nitong 5 taong nakalipas, inilaan ng pamahalaang sentral ng Tsina ang 11 bilyong yuan RMB sa mga suliranin hinggil sa mga may-kapansanan para buong sikap na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga may-kapansanan.
Ayon sa kaniya, pinahigpit ng Tsina ang pangangalaga sa mga may-kapansanan sa pamamagitan ng mga batas, pagtatatag ng mga imprastruktura para sa kanila, at pagtuturo ng mga bokasyonal na kahusayan.
Sa darating na 5 taon, patuloy na palalawakin ng pamahalaang Tsino ang saklaw sa pagbibigay-serbisyo para sa mga may-kapansanan at maigagarantiya ang pantay na kapangyarihan at pagkakataon nila sa paghahanap-buhay.
Salin: Ernest