
Isinagawa kahapon ng hukuman ng Ehipto ang paglilitis kay Mohamed Morsy, dating Pangulo ng bansa. Pinaratangan ng Prokuratura si Morsy na inudyukan niya ang kanyang mga tagasuporta para gumawa ng kaluguhan. Ito ay nagresolta sa pagkamatay ng mga demonstrador sa demonstrasyon kontra-pamahalaan noong nakaraang Disyembre. Kasama ni Morsy sa pagharap sa hukuman ang mga mataas na lider ng Muslim Brotherhood.
Ayon sa mass media ng Ehipto, kung mapapatunayang may-sala, posibleng mahatulan sila ng pagkabilanggo nang habang buhay, o kamatayan.
Salin: Li Feng