"Sa kasalukuyan, kinakaharap ng relasyong Sino-Hapones ang malaking kahirapan, hindi ito kasalanan ng panig Tsino at ito'y hindi ikinatutuwa ng Tsina."
Ipinahayag ito ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa isang regular na preskong idinaos kahapon dito sa Beijing. Ayon sa ulat, bumigkas ng talumpati kamakalawa si Yasuo Fukuda, Dating Punong Ministro ng Hapon na humihiling sa pamahalaan ni Shinzo Abe na magsikap para mapabuti ang relasyon ng Hapon sa Tsina at Timog Korea. Nitong lunes, itinatag ng ilang iskolar at dating diplomatang Hapones ang lupon upang itaguyod ang talumpati ni Prime Minister Tomiichi Murayama na naglalayong himukin ang pamahalaang Hapones na tumpak na pakitunguhan ang kasaysayan, magsisi sa pananalakay at tumahak sa landas ng kapayapaan.
Kaugnay nito, sinabi ni Qin na umaasa ang panig Tsino na pakikingan at tutupdin ng pamahalaang Hapones ang positibo at konstruktibong mungkahi ng nasabing mga personahe. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng nasabing mga personaheng pinagmamalasakitan at kinakatigan ang pagkakaibigang Sino-Hapones para mapabuti at mapaunlad ang relasyon ng dalawang bansa.