Ipinasiya kamakalawa ng Ministri ng Edukasyon, Kultura, Isports at Teknolohiya ng Hapon na sususugan nito ang mga istandard sa pagsusuri sa mga teksbuk, at ang mga teksbuk ay kailangang magpakita ng nagkakaisang paninindigan ng Pamahalaang Hapones sa mga isyung panteritoryo at pangkasaysayan.
Ayon sa ulat kahapon ng Yumiuri Shimbun, dalawang tadhana ang maaaring idagdag sa mga istandard ng pagsusuri ng teksbuk. Una, kung walang panlahatang paninindigan, hindi dapat ipagdiinan sa mga teksbuk ang partikular na kaso o espesipikong paninindigan. Sa hallip, dapat manatiling balanse ang mga paninindigang nilalaman ng mga teksbuk. Ikalawa, dapat gawing batayan sa pagsulat ng mga teksbuk ang mga paninindigan ng Pamahalaan.
Ayon sa nasabing Ministri ng Hapon, maaaring simulan ang pagsusuri sa susunod na taon.
Salin: Jade