|
||||||||
|
||
Hinimok kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Hapon na itigil ang probokatibong pananalita nito.
Ipinahayag ng tagapagsalitang Tsino ang nasabing kahilingan makaraang ilarawan kamakailan ni Punong Ministro Shinzo Abe ang Tsina bilang banta sa kaligtasang panrehiyon.
Ayon sa media ng Hapon, sinabi noong nagdaang Biyernes ni Abe na ang Tsina at Hilagang Korea ang mga pangunahing dahilan ng mahigpit na kapaligirang panseguridad ng Hapon.
Bilang tugon, muling ipinagdiinan ng tagapagsalitang Tsino ang pananangan ng Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, at sa pambansang patakaran na may depensibong katangian.
Tinukoy rin ni Qin, na karapat-dapat na mahigpit na subaybayan ang mga kilos ng Hapon sa larangang panseguridad. Dagdag pa niya, binabalak ng makakanang Administrasyon ni Abe na susugan ang Konstitusyong Pamayapa ng Hapon. Ang pagsususog ay magbibigay-daan sa Hapon sa pagdebelop ng buong pambansang hukbo, sinabi pa ni Qin.
Nanawagan din ang tagapagsalitang Tsino sa Hapon na pagsisihan ang kasaysayan at tahakin ang mapayapang landas.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |