Sa kanyang pakikipag-usap sa Beijing kahapon kay Lt.Gen Ko Ko, Ministro ng Suliraning Panloob ng Myanmar, na lumahok sa Ika-4 na Ministeriyal na Pulong ng Bilateral na Kooperasyon sa Pagpapatupad ng Batas at Seguridad ng Tsina at Myanmar, sinabi ni Meng Jianzhu, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na mabunga ang kooperasyon ng Tsina at Myanmar sa larangan ng pagpapatupad ng batas at Seguridad. Inaasahan aniyang tutupdin ng dalawang panig ang mga komong palagay na narating ng mga lider para ibayo pang palalimin ang pragmatikong kooperasyon at mapapasulong ang kanilang estratehikong partnership batay sa limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan.
Sinabi naman ni Ko Ko na positibo ang Myanmar sa mapagkaibigang pakikipagtulungan sa Tsina, at nakahanda itong ibayo pang pataasin ang kanilang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas at Seguridad.