Sa kanyang talumpati sa Ika-4 na Ministerial na Pulong sa Law Enforcement Security Cooperation ng Tsina at Myanmar, na idinaos kahapon sa Beijing, ipinahayag ni Guo Shengkun, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina ang pag-asang pahihigpitin pa ng Tsina at Myanmar ang pagtutulungan sa larangan ng mataas na pagdadalawan sa isat-isa; konstruksyon ng mekanismong panseguridad; paglaban sa krimeng transnasyonal, terorista, at droga, at pangangalaga sa katatagan sa Mekong River, alinsunod sa komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa. Ito aniya ay para mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
Magkasamang nangulo sa naturang pulong sina Guo Shengkun at Ko Ko, Ministro ng Suliraning Panloob ng Myanmar.
Pagkatapos ng pulong, nilagdaan din ng dalawang panig ang mga may-kinalamang dokumento.