Sa harap ng painit nang painit na panawagang kontra-pamahalaan, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand na hindi siya magbibitiw sa tungkulin at hindi rin niya bubuwagin ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Winika ito ni Yingluck sa isang panayam, pagkatapos ng Pulong ng Gabinete nang araw ring iyon.
Nanawagan din siya sa iba't-ibang may-kinalamang panig na magtimpi at sundin ang batas para maigarantiyang nasa makatwiran at mapayapang paraan ang mga aktibidad na tumututol o kumakatig sa pamahalaan.
Salin: Li Feng