Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang napakalakas na bagyong Yolanda, babala sa buong daigdig

(GMT+08:00) 2013-11-21 16:16:39       CRI
Ayon sa estadistika na ipinalabas ng opisyal ng Pilipinas kahapon ng umaga, ang bagyong Yolanda ay ikinamatay na ng 4011 tao, ikinasugat ng 18557, at 1602 tao ang nawawala.

Ang bagyong Yolanda ay nagdulot ng grabeng kapinsalaan sa Pilipinas. Tinukoy ng ilang tagapag-analisa na napakalakas ng bagyong ito, pero bukod dito, mayroong pang ibang dahilan kung bakit grabe ang pinsala nito: di-maunlad ang imprastruktura ng mga nasalantang purok, di-maayos ang mga hakbangin sa pagpigil sa kalamidad at iba pa.

Sa taong ito, ang bagyong Yolanda ng pinakamalakas na bagyo sa buong daigdig. Mula noong madaling araw ng ika-8 ng buwang ito, nag-landfall ng 6 na beses sa Pilipinas ang Yolanda na nagdulot ng grabeng kapinsalaan. Sinabi ni Eduardo del Rosario, Puno ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ng Pilipinas, na naapektuhan ng bagyong Yolanda ang halos 10 milyong tao sa mga apektadong lugar.

Sa kabila nang pagsasagawa ng Pilipinas ng ilang hakbangin bago ang pagdating ng Yolanda, naganap pa rin ang ilang problema sa proseso ng pagsasagawa ng relief work na tulad ng pagka-antala ng paghahatid ng mga panaklolong materyal at iba pa. Hinggil dito, pinuna ang pamahalaan ng Pilipinas ng mga pandaigdigang media at ilang organisasyong pandaigdig, ipinahayag rin ni Herminio Coloma, Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary, na susuriin ng pamahalaan ang emergency response system ng bansa.

Kasabay ng pagdating ng mga pandaigdigang tulong, unti-unting bumubuti ang kalagayan sa mga nasalantang purok.Nagsimula nang maging normal ang komunikasyon sa karamihan ng mga nasalantang lugar. Pero, sinabi kahapon sa Manila ni Ertharin Cousin ng United Nations World Food Programme (WFP), na sa mga lalawigang apektado may 600,000 biktima ang hindi pa nakakakuha ng anumang tulong.

Bukod sa kapinsalaan sa ari-arian at kasuwalti na dinulot ng Yolanda, ipinahayag rin ni Will Steffen, Puno ng ANU Climate Change Institute ng Australia na ang napakalakas na bagyong Yolanda ay nagpakita sa daigdig na ang pagbabago ng klima ay dulot ng pagiging mainit ng surface waters, at ito ay magdudulot ng mas malakas na bagyo. Dahil dito, dapat magbigay ang daigdig ng mas maraming pansin sa pangangalaga sa kapaligiran.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Tsina ASEAN
v Pandaigdigang rescue teams, dumating ng Pilipinas 2013-11-18 18:05:30
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>