|
||||||||
|
||
Kamakailan, sunud-sunod na dumating ng Pilipinas ang mga pandaigdigang rescue teams para tulungan ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Sa kasalukuyan, malaki ang pangangailangan para sa pagkain at tubig-inumin para sa mga taong naapektuhan ng kalamidad. Lubos na ipinakita ng pandaigdigang rescue teams mula sa iba't ibang bansa ang makataong diwa, nagsisikap sila para panaigan ang kahirapan kasama ng mga mamamayan ng Pilipinas.
Ang Tacloban, lunsod ng lalawigang Leyte, ay isa sa mga purok na grabeng naapektuhan ng bagyong Yolanda. Nawalan ng tubig at kuryente ang Tacloban matapos ang bagyo. Ang rescue team ng Amerika ay dumating ng Tacloban noong ika-14 ng buwang ito at nagkaloob ng malaking tulong para mapahupa ang kahirapan sa lugar na ito. Ipinahayag ni Tony Cooper, Opisyal ng Hukbong Pandagat ng E.U., na sa kasalukuyan, pinlakas ng Hukbong Pandagat ng E.U. at pamahalaan ng Pilipinas ang kooperasyon para maghatid ng materyal na panaklolo sa mas maraming nasalantang purok.
Ang Palo ay isang nayon na 11 kilometro ang layo mula sa Tacloban. Naapektuhan din ito ng ng Yolanda. Dumating ng Palo ang medical team mula sa Alemanya at Belgium noong ika-15 ng buwang ito, para ipagkaloob ang serbisyong medikal para sa mga mamamayan sa Palo. Ipinahayag ni Martina Ristau, nars ng Alemanya na nagkokooperasyon ang dalawang medical team ng Alemanya at Belgium. Ipinagkaloob aniya ng medical team ng Belgium ang serbisyong medikal para sa mga kabataan, at namamahala naman ang medical team ng Alemanya sa suliraning na may kinalaman sa matatanda.
Ang Tanauan, lunsod na 5 kilometro ang layo mula sa Palo, ay purok ding malubhang naapektuhan ng bagyo. Ipinahayag ni Pel Tecson, alkalde ng Tanauan, na kasabay ng pagsisikap ng pamahalaan ng Pilipinas at Red Cross, unti-unting nagiging mabuti ang kalagayan ng mga nasalantang purok. Pero, sa kasalukuyan, nananatiling kulang na kulang ang medisina, pagkain at tubig na inumin sa Tanauan.
Bukod sa naturang mga pandaigdigang rescue team, kamakailan, sunud-sunod na dumating ng Pilipinas ang mga material panaklolo mula sa Hapon, Singapore at iba pang bansa.
Sa mula't mula pa'y lubos na sinusubaybayan ng Tsina ang kalagayan sa mga lugar na sinalanta ni bagyong 'Yolanda' sa Pilipinas, at ipinagkakaloob ang makataong tulong sa mga apektadong lugar ng Pilipinas. Sa pagsasaalang-alang ng aktuwal na pangangailangan ng ganitong mga lugar, nakahanda ang Pamahalaang Tsino na ipadala ang pangkagipitang grupong medikal sa mga nasalantang purok ng Pilipinas.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |